TRABAHO | 2-day job fair, isasagawa ng CSC

Magsasagawa ng dalawang araw na job fair ang Civil Service Commission (CSC) mula Setyembre 26 hanggang 27 sa SM City North EDSA Skydome.

May pinakamaraming alok na trabaho ay sa Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Habang nangangailangan din ng mga accounts management analyst, auditors, lawyers, nurses, at administrative officers sa iba pang ahensiya,


Narito ang ilan sa mga requirements na kailangan dalhin sa job fair:

• Personal data sheet at passport-size photo na may pangalan at lagda;
• Performance rating sa kasalukuyang posisyon sa loob ng isang taon (if applicable);
• Photocopy ng certificate of eligibility/ rating/ lisensya; at
• Photocopy ng transcript of records (TOR).

Para sa mga interesado at qualified, maaaring bisitahin ang website ng CSC para makita ang kompletong listahan ng mga alok na trabaho.

Facebook Comments