Manila, Philippines – Hinikayat ngayon ng pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga naghahanap ng trabaho na samantalahin ang kanilang ilulunsad na job fair na gagawin sa Araw ng Manggagawa nationwide.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, 80 libong trabaho sa local at overseas ang inialok ng ahensiya sa Araw ng Manggagawa sa Mayo 1 sa buong bansa na may temang ” Pagpupugay sa Manggagawang Filipino:Dangal ng Lahi, Kabalikat sa Progresibong Pagbabago”.
Paliwanag ng kalihim mayroong 53 sites para sa Trabaho, Negosyo, Kabuhayan o (TNK) na iniorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Department of Trade and Industry (DTI) bilang tribute at pagbibigay ng halaga sa mga Filipinong manggagawa sa Labor Day.
Dagdag pa ni Bello na kabuuang 829 ang mga Employers na nag aaalok ng trabaho kung saan 666 ang Local at 163 Overseas Na Inaasahang papalo sa 78,675 Local, Overseas, at Government ang magbibigay ng trabaho sa mga Pinoy na naghahanap ng trabaho.
Kabilang aniya sa mga bakanteng trabaho ang mga gustong pumasok sa sundalo at pulis kung saan nangangailangan ng mahigit apat na libo, 1,470 naman para sa customer service representative, 1,443 para sa production worker/factory worker 1,385 para sa mason, 1306 naman para sa call center agent 1,288 para sa production machine operator, 900 sa construction worker 889 para naman sa BJMP 880 sa service crew at 708 naman ay para sa karpentero.
Samantala, para sa overseas employment, ang mga bakante ay nurses, technicia, food and beverage staff, engineers (mechanical, electrical, civil) production worker, factory worker, sales associate professional, construction worker , assistant head manager, kusinero, driver at house attendant.