Manila, Philippines – Bukas na tumanggap ng mga Pilipinong manggagawa ang China at Russia.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Head Bernard Olalia ang dalawang bansa ang maaring puntahan ng mga Pinoy na gusto magtrabaho abroad lalo at nais ng Pilipinas na putulin ang pagkakaasa nito sa Middle East.
Aniya sa kauna-unahang pagkakataon ay binubuksan ng Russia ang pintuan ng oportunidad nito sa Pilipinas at nais nila ang government-to-government deployment scheme gaya sa China.
Naghahanap ang Russia ng mga skilled workers sa construction at services habang ang China ay gusto ng 2,000 english teachers ngayong taon.
Ang Pilipinas ay nanghihigpit na sa mga bansa sa gitnang silangan para maprotektahan ang mga OFW na nagtratrabaho at naninilbihan.