TRABAHO AT SERBISYONG PANGKALUSUGAN, UMARANGKADA SA PANGASINAN

Libo-libong mga Pangasinenses ang nabenepisyuhan ng iba’t-ibang mga programang hatid ng mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng inilunsad na Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan.

Naganap ang isang mega job fair sa lungsod ng Dagupan na may layong mabigyan ng oportunidad ang mga residente sa lalawigan na magkaroon ng karagdagang source of income at maiangat ang buhay, kaugnay pa rito ang naitalang tukoy na mga Hired on the Spot o HOTS.

Nasa mahigit isang milyong halaga rin ng pangkabuhayan sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program ang naipamahagi sa mga benepisyaryo.

Namahagi rin ng cash assistance at iba pang serbisyo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1, maging serbisyong pangkalusugan na hatid ng Department of Health Ilocos Region. Umarangkada rin ang Kadiwa ng Pangulo ng Department of Agriculture Region 1.

Samantala, ipinapasalamat naman ito ng mga Pangasinense para sa mga serbisyong naihatid sa mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments