TRABAHO | DOLE, hinikayat na tignan ang mga bakanteng trabaho sa PhilJobNet

Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga naghahanap ng trabaho na bisitahin ang website ng PhilJobNet.

Ang PhilJobNet ang official job search portal ng gobyerno.

Inilalathala sa PhilJobNet ang mga bakante sa Business Process Outsourcing (BPO), sales, at food service industries.


Ayon sa DOLE, mayroong nasa 4,173 vacancies sa BPO sector, partikular ay call center agents.

Mayroon 4,616 vacancies sa sales sector habang mayroong 835 vacancies sa food service industry.

Ang mga bakanteng posisyon sa sales industry ay promo salespersons, customer service assistance, cashiers, retail o wholesale establishment salespersons, sales associate professionals, retail trade salesmen, market salespersons, sales clerks, salesmen, stall salespersons at real estate sales men.

Para sa food service industry, may alok ding posisyon para sa mga nais maging service crews, cooks, at food servers.

Mayroon ding iba pang bakanteng posisyon tulad ng domestic helpers, staff nurses, construction laborers, baggers at carpenters.

Facebook Comments