TRABAHO | English teachers, in-demand sa China

Manila, Philippines – Nangangailangan ang China ng mga English Teacher.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Officer-In-Charge Bernard Olalia, pasok ang English Teacher sa 1,900 Job Orders o trabahong maaaring pasukin ng mga Pilipino sa China.

Kabilang sa mga general requirement sa English Teachers sa China ang mga sumsunod:


-Bachelor’s Degree with License,
-Teachers of English to Speakers of other Languageso Tesol
-Test of English as a Foreign Language oToefl, Certification
-Training Certificate,
-May dalawang taong karanasan sa pagtuturo
-At good communication skills

Bukod dito, binuksan na rin ng China ang “Talents Visa.”

Pasok sa nabanggit na Visa ang mga propesyonal tulad ng Siyentista, Artist, at iba pang trabahong may mga natatanging talento.

Multiple entry ang “Talent Visa” at valid mula lima hanggang 10 taon.

Maaaring mag-apply ng trabaho sa china sa pamamagitan ng Direct Hire o Recruitment Agency na aprubado ng Gobyerno.

Facebook Comments