TRABAHO | Higit 100,000 trabaho, alok ng DOLE sa Independence Day Job Fair

Manila, Philippines – Aabot sa 125,000 trabaho ang alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa isasagawang mga job fair sa iba’t-ibang panig ng bansa sa June 12, Araw ng Kalayaan.

Ayon sa DOLE, 63,426 sa mga trabahong ito ay lokal na trabaho habang 53,636 ang trabaho sa ibang bansa.

Nasa 7,770 trabaho naman ang bakante sa pamahalaan, karamihan ay sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Navy, at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).


Idaraos ang mga job fair sa 21 lugar sa bansa at lalahukan ng 621 employer mula sa pribado at pampublikong sektor.

Facebook Comments