Trabaho, hindi dapat mawala dahil sa public works ban

Iginiit ni Senator Joel Villanueva na hindi dapat maapektuhan ng 45 na araw na public works ban simula sa Marso 25 ang trabaho at pagkumpleto ng mga proyektong pang-imprastraktura sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Ayon kay Villanueva, pinapahintulutan ng batas eleksyon at resolusyon ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga exemption sa public works ban.

Diin ni Villanueva, kasama sa mga exemption na ito ang mga proyektong nagpapatuloy at nagawaran bago ang Marso 25, gayundin ang “emergency work necessitated by the occurrence of a public calamity.”


Katwiran pa ni Villanueva, hindi dapat maging casualty ng papalapit eleksyon ang trabaho lalo’t tumaas ang walang trabaho dahil sa pademya.

Tinukoy ni Villanueva na base sa datus, ay nasa 10.1 million na ngayon ang unemployed at underemployed.

Facebook Comments