Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng mga trabaho, pagpapatibay ng serbisyong pangkalusugan, at pagpapalawak ng imprastruktura.
Ang pahayag ay ginawa Pangulo makaraang aprubahan ang 2025 National Expenditure Program o pambansang pondo.
Ayon sa Pangulo, target ng pamahalaan na tugunan ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bawasan ang kahirapan.
Sa pamamagitan aniya nito ay matitiyak na ang bawat Pilipino ay makikinabang sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Nakatakdang isumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso ang 2025 budget sa July 29 o pagkatapos ng SONA ni Pangulong Marcos.
Facebook Comments