Manila, Philippines – Exciting!
Ito ang sinabi ng aktor na si Gerald Anderson nang tanungin siya kung mabibigyan siya ng pagkakataon makasama sa isang proyekto ang mga ex niya na sina Kim Chiu at Maja Salvador.
Ayon sa actor, trabaho lang at hangga’t nakakapagbigay siya ng saya at excitement sa mga tao ay walang magiging problema.
Matatandaang ilang taon ding naging mag-jowa si Gerald at Kim pero nag hiwalay din sila noong 2010.
Gayun din si Maja na naging girlfriend din ng aktor sa loob ng dalawang taon.
Paglilinaw ni Gerald, maayos na silang tatlo ngayon kumpara dati na hindi talaga sila nag papansinan.
Facebook Comments