TRABAHO LANG | Pagsasampa ng kaso kay PISTON President San Mateo, pinanindigan

Manila, Philippines – Kasunod ng mga paratang na harassment o pagmamalabis ang ginawang pagsasampa ng kaso at pagkakaaresto kay PISTON President George San Mateo, pinanindigan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, tagapagsalita ng LTFRB, dapat respeto at patas na pagpapatupad ng batas ang pairalin.

Ang leksyon aniya sa kaso ni San Mateo ay dapat na sundin ang batas.

Kung ano man aniya ang mga susunod na hakbang ng iba pang transport group, asahan na gagawin lang ng pamahalaan ang kanilang tungkulin, ikukunsidera at paiiralin ang batas upang sa makapagbigay ng magandang ehemplo.


Tumanggi naman si Lizada na magkomento sa usapin ng di umano’y kalabisan sa pagaaresto kay San Mateo, kahit pa kusa na nitong isinuko ang kaniyang sarili upang makapagpyansa.

Facebook Comments