TRABAHO LANG | Senator Pangilinan, iginiit na walang personalan sa kanila ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Trabaho lang at walang personalan sa pagitan nina
Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Francis Kiko Pangilinan na siya ring
Pangulo ng Liberal Party o LP.

Ito ang inihayag ni Pangilinan, kasunod ng pagpunta sa Malakanyang ng
kanyang misis na si Mega Star Sharon Cuneta at kuya nito kung saan nakasalo
nila sa hapunan si Pangulong Duterte.

Ayon kay Pangilinan, kaibigan ni President Duterte ang yumaong ama ng
Megastar at kuya nito at nag-abot pa ang dalawa bilang mayor noong dekada
80 at 90 kaya sila naimbita sa dinner.


Walang nakikitang problema si Pangilinan sa sitwasyon dahil trabaho lang
naman at hindi personal aniya kung may differences o pagkakaiba sila ng
Pangulo.

Diin pa ni Pangilinan, mula 1999 ay magkakilala na sila ni Pangulong
Duterte.

Binanggit din ni Pangilinan na natulungan siya ni Pangulong Duterte sa
kanyang kadidatura sa pagkasenador noong 2001 at 2007.

Sabi ni Pangilinan, natulungan din naman niya ang Davao City sa pamamagitan
ng iba’t ibang proyekto.

Sen. Kiko on ate Shawie’s dinner with Digong last night:

Kaibigan ng Pangulo ang yumaong ama ni Sharon at Chet (kuya) at nag-abot
silang dalawa bilang mayor nung dekada 80 at 90 kaya sila naimbita dinner.
Walang problema sa akin dun. Ang differences namin ng Pangulo trabaho lang
at hindi personal. Matagal din kaming magkakilala ni Pangulo mula pa nung
1999 at natulungan din niya ako nung 2001 at 2007 nung kandidato ako bilang
senador at natulungan ko rin naman ang Davao City sa pamamagitan ng iba’t
ibang projects.

Facebook Comments