TRABAHO | Language teachers, hanap ng TESDA

Manila, Philippines – Nangangailangan ngayon ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng mga titser/trainers.

Sa ipinalabas na memo ni TESDA Director General, Secretary Guiling Mamondiong, inatasan nito ang mga Regional Directors, Executive Director ng National Institute for Technical Education and Skills Development at National/Regional Language Skills Institutes na buhayin ang language skills institutes ng ahensya.

Kinakailangan ng ahensya ang mga gurong bihasa sa linguwaheng Arabic, Korean, English, Mandarin Chinese, German, Mandarin Taiwanese, Italian, Spanish, Japanese at Bahasa Indonesia.


Ang mga qualifications para sa mga interesadong aplikante ay: bachelor’s degree holder; kailangan ay may isang taong karanasan sa pagtuturo ng language; may TESDA Trainers Methodology Level 1 Certification; computer literate, magaling sa oral at written communications at fluent sa English.

Para sa lahat ng interesadong aplikante ay maaring magsumite ng kanilang Application Letter at Curriculum Vitae/Recent Bio-data sa administrator ng TESDA sa lugar kung saan nais nilang mag-apply.

Facebook Comments