TRABAHO | Mahigit 100 residente ng Makati, na-hired on the spot sa isinagawang mega job fair ng lungsod

13

Makati City – Umabot sa 1,041 ang kabuuang bilang ng mga job seekers na lumahok sa mega job fair ng pamahalaang lungsod ng Makati kamakailan.

Sa nasabing bilang, 137 ang hired on-the-spot, habang 339 naman ang nakatakdang sumailalim sa karagdagang screening ng mga participating company base narin sa datos ng Public Employment Service Office o PESO.

Ilan sa mga kumpanyang lumahok sa job fair ay mula sa BPO, Manpower, malalaking korporasyon at maraming iba pa.

Dumalo rin ang ilang ahensiya ng pamahalaan upang magbigay-serbisyo sa mga job seekers kabilang na ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, Pag-IBIG, PhilHealth at Social Security System o SSS.

Ang mega job fair ng lungsod ay bilang bahagi ng sampung araw na “Makati Makisalo” festival na gumugunita sa ika-348th foundation day ng lungsod.

Facebook Comments