TRABAHO | Middle East, nangangailangan ng mahigit 1,000 specialist nurse

Manila, Philippines – Nangangailangan ngayon ng mahigit 1,000 specialist nurse sa Middle East.

Ayon kay Ventura Plan, deputy administrator Philippine Overseas Employment Administration (POEA), 1,000 specialist nurse na babae ang kailangan sa Saudi Arabia at 150 emergency medical technicians ang hinahanap sa United Arab Emirates.

Aniya, walang sisingiling placement fee sa mga nais mag-apply dahil gobyerno sa gobyerno ang usapan na protektado ang karapatan ng mga Pinoy.


Sabi ni Plan, mahigit P58,000 ang katumbas na buwanang sahod ng mga matatanggap at puwede pang tumaas bawat taon.

Kabilang sa mga kailangang requirements sa mga aplikante ay dapat tapos ng kursong BS Nursing, may aktibong Professional Regulation Commission (PRC) license at may dalawang taon na job experience bilang nurse.

Sa November 9 ang deadline ng pagpapasa ng aplikasyon sa regional offices at November 16 naman sa main office.

Makikita ang kumpletong listahan ng requirement sa website ng POEA na www.poea.gov.ph.

Facebook Comments