Manila, Philippines – Sa kabila na wala pang kumpirmasyon mula kay PNP Chief Ronald dela Rosa na tatakbo sya sa pagka senador sa 2019 election.
Sinabi nitong mababago pa ang resulta ng survey ng 2019 senate race lalo na kapag nagretiro na sya sa serbisyo sa buwan ng Abril.
Lumabas sa pinakahuling survey ng SWS pang labing anim si PNP Chief sa mga tatakbo sa pagkasenador sa 2019 election.
Aniya sa ngayon nagpapasalamat sya taong bayan dahil ikinokonsidera sya para maging senador ng bansa.
Pero nilinaw nyang sa natitirang tatlong buwan bilang PNP Chief, nais nyang ituon ito sa pagtatrabaho.
Ayaw nya raw kasing isipin ng publiko na lahat ng kanyang decision making sa PNP ay pamumulitika.
Facebook Comments