Manila, Philippines – Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE)
ang mga naghahanap ng trabaho lalo na ang OFW at graduating students na
pumunta sa ‘trabaho, negosyo, kabuhayan’ (TNK) job and business fair sa
March 26 sa Cuneta Astrodome, Pasay City.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello, III – magkakaroon ng special lane
para sa mga OFW lalo na kung galing Kuwait.
Sinabi pa ni Bello – i-aakma rin ang kanilang kakayayahan at karanasan sa
pagtatrabaho sa mga oportunidad na trabaho sa bansa.
Bibigyan din aniya ng libreng training kung kinakailangan.
Para maiwasan ang mahabang proseso ng pagpaparehistro, pinapayuhan ang mga
naghahanap ng trabaho na magpa rehistro sa philjobnet hanggang March 21.
Mag-log-in sa philjobnet (philjobnet.gov.ph), i-click ang “job fair”,
isunod ang “join job fair” para sa TNK Cuneta Astrodome, at ang “yes” para
sa pre-registration.
Siguruhing nai-print ang job fair pre-registration online stub at ipakita
ito sa event organizer sa registration area sa araw ng job fair.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>