Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibaba na ang antas ng mga aktibidad ng communist terrorist groups (CTGs).
Ayon kay Pangulong Marcos, ito ay para maipasa na sa PNP ang mga tungkulin sa law enforcement operations na ginagampanan din ng mga sundalo.
Sa kaniyang pagbisita sa Southern Luzon Command (SOLCOM) sa Camp General Guillermo Nakar, sinabi ng pangulo na oras na maging kontrolado ang sitwasyon ng insurgency, ay matututukan na ng militar sa territorial defense.
Kaugnay nito, kinilala naman ng pangulo ang tagumpay ng SOLCOM sa pagpapahina ng mga communist terrorist group sa pamamagitan ng pag-neutralize sa mga personalidad at paglansag sa mga organisasyon.
Hinimok din ng pangulo ang mga sundalo na ipagpatuloy ang kanilang magandang performance.