Manila, Philippines – Nakakaiyak ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pahayag ni Philippine National Police Chief Gen. Ronald Bato dela Rosa na ingrato ang mga kritiko ng war on drugs dahil nakikinabang din ang mga ito sa peace and order na itinataguyod ng kapulisan.
Sabi ni drilon, walang saysay na insultuhin ni Bato ang mga kritiko ng war on drugs dahil dapat bukas ito sa mga pagpuna.
Giit pa ni Drilon, hindi dapat isinusumbat ni Gen. Bato ang pagpapanatili ng peace and order situation sa bansa dahil trabaho ito ng PNP at pinapasweldo sila ng taongbayan.
Ayon kay Drilon, suportado nila ang war on drugs pero hindi ang Extra Judicial Killings at ang kultura ng impunity o pagabuso ng mga otoridad.
Sabi pa ni Drilon, okay lang na tawagin silang ingrato ni Bato dahil tumutulong sila sa pagsagip ng buhay mula sa EJK at pagtutol sa pagmamalabis ng ilang kasapi ng pambansang pulisya.