TRABAHO nominees, naghouse-to-house sa Pasig

Personal na binisita ng TRABAHO Partylist nominees ang mga residente ng Brgy. Manggahan at Brgy. Santolan, Pasig City sa noong March 15, 2025.

Kita sa mga larawan sa Facebook post ng TRABAHO, 106 sa balota, na mismong ang mga nominees na sina Atty. Johanne Bautista at Ninai Chavez ang nagmamano at nakikipagkumustahan sa mga Pasigueño sa tapat ng kanilang mga bahay at tindahan.

Ibinida ng TRABAHO ang kanilang plataporma sa mga taga-Pasigueño at inalam rin nila ang mga iba’t-ibang pangangailangan.


“Ang TRABAHO po ang magiging boses ng mga manggagawa pati na rin ng private sector na tumutulong sa pagpaparami ng trabaho sa kongreso,” sabi ng abogadong nominee.

Nagpasalamat din si Chavez sa kabaitan ng mga Pasigueño, sa mainit nilang pagtanggap, at masusing pakikinig sa legislative agenda ng TRABAHO.

Kamakailan, bumisita rin ang grupo kasama si celebrity host at advocate Melai Cantiveros-Francisco sa Mutya ng Pasig Mega Market.

Bukod sa pagpapataas ng sahod at non-wage benefits, isinusulong ng TRABAHO Partylist na mapaganda ang pamumuhay ng manggagawang Pilipino.

Facebook Comments