TRABAHO | Pangulong Duterte at Special Assistant Bong Go, pangungunahan ang Labor Day sa Mabolo, Cebu

Cebu – Nangako si Special Assistant to the President Bong Go na isusulong niya ang pagkakaroon ng livelihood at job opportunities ang lahat ng mga Pilipinong naghahanap ng trabaho.

Kasabay ng paggunita ng Labor Day, sasamahan ni Go si Pangulong Rodrigo Duterte para pangunahan ang okasyon sa Mabolo, Cebu.

Sasamahan sila ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez at Executive Secretary Salvador Medialdea.


Tampok dito ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job and business fair kung saan mag-aalok ng trabaho at kabuhayan ang iba’t-ibang kumpanya at ahensya.

Bukod dito, magkakaroon din ng special program for the employment of students at government internship program.

Facebook Comments