Trabaho Para sa Bayan bill, aprubado na sa Senado

Pasado na sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang panukalang “Trabaho Para sa Bayan Bill” o ang Senate Bill 2035.

Sa botong 24 na senador na pabor at wala naman pagtutol ay naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na layong magkaroon ng long-term master plan para sa employment generation at recovery ng bansa.

Una nang sinabi ng sponsor at principal author ng panukala na si Majority Leader Joel Villanueva na ang panukala ang inaasahang tutugon sa job-skills mismatch na nararanasan lalo na ng mga fresh graduates ngayon.


Pinaniniwalaan din na ang panukalang ito ang magpapasigla sa national at local economic growth and development sa pamamagitan ng paghahanay ng investment at iba pang mga insentibo.

Titiyakin aniya nito ang pagkakaroon ng mabisa at napapanahong paghahatid ng industry-relevant skills training at enhancement programs na nakalinya sa pangangailangan ng labor market.

Bibigyan rin nito ng suporta at insentibo ang mga umiiral at umuusbong na mga negosyo gayundin ang mga employer, industry stakeholder at iba pang organisasyon sa pribadong sektor na nag-aalok ng training, technology, knowledge at skills transfer.

Facebook Comments