“Trabaho para sa Malabon Job Fair” ng PCCI-Malabon, Malabon LGU at PESO katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho, kasado na ngayong araw

Kasado na ang “Trabaho para sa Malabon Job Fair” ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI)-Malabon, Malabon City Government at kanilang Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho.

Sa interview ng DZXL Usapang Trabaho program, sinabi ni Malabon City Peso, Manager Luziel Balajadia nasa 40 hanggang 50 ang participating companies at halos sampung libo ang job vacancies na pwede mong pasahan ng resume.

Aniya, good news ito sa mga taga-Malabon dahil karamihan sa mga kompanyang kalahok ay mismong sa Malabon area lamang kung saan makakatipid sa oras at pamasahe ang mga aplikante.


May one-stop-shop din sa mga first time job seeker para sa pre-employment requirements dahil imbitado ang SSS, PAG-IBIG at PSA.

Bukod dyan ay magbibigay rin ang Department of Labor and Emloyment (DOLE) at PESO Malabon ng employment coaching at lecture sa mga aplikante.

Kaya naman magdala ng maraming kopya ng resume, sariling ballpen, at panatilihin ang social distancing at magsadya na mamayang ala-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa 4th floor Malabon Citisquare Mall.

Facebook Comments