Trabaho para sa mga graduate ng senior high school, target na matugunan ng isang barangay sa Pasay sa tulong ng DZXL Radyo Trabaho

Umaasa ang mga opisyal ng Brgy. 132, Zone-13 sa lungsod ng Pasay na matulungan ang kanilang mga graduate ng senior high school na magkatrabaho.

Ito’y matapos ang ginawang Katok-Bahay, Sorpresa Trabaho ng DZXL Radyo Trabaho.

Sa pakikipag-ugnayan ng DZXL Radyo Trabaho kay Ms. Vicky Hilario ang barangay secretary ng Brgy. 132, Zone-13, ang mga unemployed na graduate ng senior high school ang isa sa kanilang pinoproblema.


Kaya’t dahil dito, hangad nila na matulungan o magabayan ng DZXL Radyo Trabaho ang kanilang kabataan upang kahit papaano ay maging maayos ang takbo ng kanilang pamumuhay.

Dagdag pa ng sektretarya ng barangay, karamihan na nirereklamo sa kanilang tanggapan ay hinggil sa hindi pagbabayad ng upa dahil ang iba ay nawalan ng trabaho.

Kaugnay nito, hiling ng naturang opisyal ng barangay na maka-ugnayan ang DZXL Radyo Trabaho sa mga susunod nilang proyekto para sa kanilang mga barangay.

Facebook Comments