Trabaho para sa mga Pinoy at bilyun-bilyong piso, uwi ng Pangulo mula sa Japan

Photo Courtesy: PCOO

Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na naging matagumpay ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan.

Matatandaan kasi na sa biyahe ng Pangulo sa Japan ay nangako ito na magbibigay ng 25 billion yen para sa development ng Mindanao habang 5 billion US dollars na halaga ng investment naman ang nakuha ng Pangulo sa Japan na magbibigay ng mahigit 80,000 trabaho para sa mga Pilipino.

Batay sa pahayag na inilabas ng Malacañang, mas lumakas pa ang bilateral relations ng Pilipinas at Japan matapos magkasundo ang dalawang bansa na palakasin pa ang kooperasyon sa infrastructure, trade and investment, agriculture, labor, defense, maritime security at maritime domain awareness, people to people exchanges at ang pagkakaroon ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.


Ikinagalak din naman ni Pangulong Duterte ang pagbibigay ng Japan ng buong suporta sa Build, Build, Build Program ng pamahalaan at ang mainit na pagtanggap ng Japan sa kanya at sa kanyang delegasyon.

Nakauwi ang Pangulo sa bansa kaninang pasado 1:00 ng madaling araw kasama ang ilan nitong gabinete.

Facebook Comments