Mas marami pang trabaho para sa kanilang mga residente, ito ang hiling ngayon ng mga opisyal ng Brgy. 177, Zone-18 sa Pasay City.
Ito’y matapos bumisita ang DZXL Radyo Trabaho na bahagi ng Katok Bahay, Sorpresa Trabaho.
Sa panayam kay Bb. Maricel Quilantang, Barangay Treasurer ng Brgy. 177, nasa higit 2,800 ang bilang ng pamilya sa kanilang barangay kung saan 500 indibidwal ang nawalan ng trabaho.
Aniya, bunsod ito ng nangyaring pandemya kaya’t maraming pabrika, kompanya at mga maliliit na negosyo ang nagsara.
Bukod dito, nakadagdag din sa bilang ng nawalan ng trabaho ang ilang mga kabataan na pumasok sa seasonal job.
Kaya’t ilan sa mga kabataan ay bumibiyahe na lamang ng side car at mga sideline na trabaho.
Kaugnay nito, nagpapasalmat si Mam Maricel sa DZXL Radyo Trabaho lalo na sa promo na Katok Bahay, Sorpresa Trabaho dahil kahit papaano ay mautulungan ang mga jobless at job seeker na magkaroon na ng hanapbuhay.