Trabaho Partylist: Karagdagang non-wage benefits, importante rin

Ayon sa Trabaho Partylist, importante rin na mabigyan ang mga empleyado ng mga karagdagang non-wage benefits para mapagbuti nila ang kanilang pamumuhay.

“Hindi lang dapat nakatali sa income ang disenteng pamumuhay kundi maging sa pagkakaroon ng benefits partikular sa health”, sagot ni Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Partylist.

Ito ay matapos matanong si Javier sa isang panayam tungkol sa mga solusyong makakatulong sa mga manggagawa at empleyado sa tuwing hindi naaapruhaban ang mga nakaambang na wage hike.


Aniya, hindi dapat nakadepende lamang sa wage increase para matugunan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino.

Para naman sa mga long-term na solusyon, ipinaliwanag ni Javier na kinakailangang palakasin ang ekonomiya, paramihin ang mga investors, magbigay ng mga training para sa skilled workers, at pagkakaaroon ng representasyon kagaya ng Trabaho Partylist sa kongreso upang maisabatas ang marami pang importanteng benepisyo para sa mga maggagawang Pilipino.

Facebook Comments