Trabaho Partylist, nasa top choices ng taumbayan

Sa gitna ng patuloy na panawagan para sa mas mataas na sahod at karagdagang benepisyo, ang Trabaho Partylist ay kinikilala bilang isa sa mga pangunahing pagpipilian ng taumbayan, ayon sa isang pambansang survey.

Base sa naturang survey na isinagawa mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1, 2024, kasama ang Trabaho Partylist sa higit dalawampung partylist na tumatanggap ng malakas na suporta mula sa mga botante, bilang paghahanda sa darating na halalan sa 2025.

Ang Trabaho Partylist ay nasa ika-21 pwesto sa survey, na may tinatayang isang milyong Pilipino na sumusuporta sa kanilang adbokasiya para sa siguradong trabaho at kabuhayan.


Higit sa pagtaas ng sahod, layunin ng Trabaho Partylist na mapahusay ang kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang non-wage benefits.

Ayon sa grupo, hindi sapat na umasa lamang sa wage increase upang masigurong matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat pamilya.

Bilang pangmatagalang solusyon, binigyang-diin ng Trabaho Partylist ang kahalagahan ng pagpapalakas ng ekonomiya, paghikayat ng mas maraming investors, at pagsasanay sa mga skilled workers.

Dagdag pa rito, binigyang-diin niya ang papel ng Trabaho Partylist sa Kongreso sa pagsusulong ng mga batas na magbibigay ng mas maraming benepisyo para sa mga manggagawang Pilipino.

Facebook Comments