TRABAHO | POEA naghahanap ng 150 EMT na ipapadala sa Abu Dhabi

39

Naghahanap ngayon ang isang kumpanya sa Abu Dhabi ng 150 Pinoy EMT o emergency medical technicians.

Ayon sa POEA, bukas ito sa mga babae at lalaki na graduate ng BS Nursing, nakumpleto ang internationally recognized EMT basic course at dapat may 8 buwan pataas na experience bilang EMT.

Sa mga nais mag-apply mag-register lamang sa website ng POEA at personal na isumite ang mga dokumento sa tanggapan ng POEA sa Ortigas.

Ang deadline ng aplikasyon ay sa darating na Huwebes, Nobyembre 29.

Government to government ang programa kaya makatitiyak na protektado ang mga aplikante.

Facebook Comments