Manila, Philippines – Bahagyang tumaas ang bilang mga Pilipinong walang trabaho sa bansa noong Oktubre.
Sa resulta ng Oktubre 2017 Labor Force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) – tumaas ng limang porsiyento ang unemployment rate sa bansa mula sa 4.7 percent sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Bumaba naman sa 15.9 percent ang underemployment rate sa bansa mula sa 18 percent noong 2016.
Ang underemployment ay tumutukoy mga taong over-qualified sa kanilang trabaho o mga empleyadong highly-skilled pero nagtatrabaho sa mga low paying jobs.
Facebook Comments