Trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas, suspendido simula alas-12 ng tanghali sa October 31

Sinuspinde ng Malacañang ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas simula alas-12 ng tanghali sa October 31, araw ng Huwebes.

Batay sa Memorandum Circular no. 67 na may petsang October 22 at pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang hakbang na ito ay para mabigyan ng buong pagkakataon ang mga kawani ng gobyerno na gunitain ang All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ito’y para makabiyahe rin sa iba’t ibang rehiyon para sa Undas at maisulong ang lokal na turismo.


Magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensyang naghahatid ng basic at health services, disaster response at iba pang mahahalagang serbisyo.

Ipinauubaya rin ng Palasyo ang suspensyon ng trabaho sa pribadong kompanya sa kani-kanilang management.

Facebook Comments