Trabaho sa Kamara, balik na ulit sa regular na operasyon

Balik na sa regular ang operasyon ng trabaho sa Kamara ngayong muling pagbubukas ng sesyon.

Batay sa memorandum na ibinaba ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, magkakaroon ng hatian sa work force kung saan susundin ang shifting schedule ng mga papasok ng personal sa trabaho kada dalawang linggo.

Mananatili naman ang 30% work force capacity sa Kamara salig na rin sa GCQ guidelines.


Mula Lunes hanggang Huwebes naman ang office work sa Kamara maliban ngayong linggo na hanggang Miyerkules lamang.

Ipatutupad din ang work-from-home at alternative working arrangements para masunod ang 40-hour work week.

Ang committee meetings na papatak ng Huwebes at Biyernes ay isasagawa naman sa pamamagitan ng videoconferencing.

Lahat na personal na papasok sa trabaho ay kailangan sumailalim sa antigen test at maglalaan din ng shuttle service para sa mga empleyado.

Facebook Comments