Manila, Philippines – Maagang natapos ang unang araw ng sesyon kahapon sa Kamara dahil sa ipinatupad na “lock-out policy” kung saan naghihigpit na lalo sa attendance at pagkakaroon ng quorum ang liderato ng Mababang Kapulungan.
Pinuri ni Buhay PL Rep. Lito Atienza ang “lock-out policy” ng Kamara dahil bukod sa madidisiplina ang mga kongresista sa pagdalo ng sesyon ay mas maaagang matatapos ang trabaho dahil eksaktong alas kwatro na ng hapon sinisimulan ang sesyon.
Ito rin aniya ang unang pagkakataon na nagtugma ang bilang niya sa bilang ng roll call.
Nararapat lamang din ang ganitong disiplina dahil maraming kongresista pa rin ang hindi naman pumupunta sa plenaryo at nasa kani-kanilang mga kwarto lamang sa Batasan.
Kahapon ay 530pm pa lamang ay natapos na agad ang sesyon ng Kamara dahil sa maagang paguumpisa ng sesyon.
Nitong mga nakaraan ay karaniwang late ang roll call at gabi na kung matapos ang trabaho sa Mababang Kapulungan.