Trabaho sa kamara, pinangangambahang madiskaril

Manila, Philippines – Nagbabala si Aangat Tayo PL Rep. Neil Abayon na madidiskaril ang trabaho sa Kamara kapag itinuloy pa ang impeachment complaint kina Pangulong Rodrigo Duterte at Ikalawang Pangulo Leni Robredo.

 

Giit ni Abayon, tiyak na mapaparalisa ang Kamara kapag natuloy ang mga impeachment complaints dahil wala nang aatupagin ang mga mambabatas kundi ang pagdinig sa nasabing mga reklamo.

 

Dahil dito, tiyak na maisasantabi ang mga panukalang batas na dapat dinggin ng kamara.

 

Sa ngayon aniya ay wala pa talagang mabigat at matibay na grounds para mapatalsik ang mga pinuno ng bansa.

 

Sinabi pa ni Abayon na maaayos namang nagagampanan ni Pangulong Duterte ang kanyang tungkulin at patunay dito ang pagbaba ng crime rate at pagdami ng investments na pumapasok sa bansa.




Facebook Comments