
Dahil sa matinding pag-ulan at mga pagbaha sa Metro Manila ay suspendido ang pasok ng mga empleyado sa House of Representatives ngayong Martes.
Nakasaad ito sa memorandum na inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco.
Sa kabila nito ay magpapatuloy naman sa pagbibigay ng serbisyo ang mga tanggapan sa Kamara na may mahalagang trabaho na dapat gampanan.
Tiniyak din sa memorandum ni Velasco na ang liderato ng Kamara ay patuloy na magbabantay sa sitwasyon at gagawin ang kailangang hakbang para maproteksyunan ang kaligtasan ng mga empleyado nito.
Facebook Comments









