Trabaho sa Kamara, suspendido pa rin bukas, July 23, dahil sa masamang lagay ng panahon

Dahil sa masamang lagay ng panahon ay suspendido pa rin hanggang bukas, July 23, ang trabaho sa House of Representatives.

Base ito sa memoradum na inilabas ngayon ni House Secretary General Reginald Velasco.

Pinatitiyak naman ni Velasco na hindi madidiskaril ang pagbibigay ng serbisyo ng mga tanggapan sa Kamara na may mahalagang trabaho na dapat gampanan.

Tiniyak din sa memorandum ni Velasco na ang liderato ng Kamara ay patuloy na magpapatupad ng mga hakbang para maproteksyunan ang kapakanan ng mga empleyado nito.

Facebook Comments