Trabaho sa Supreme Court at lahat ng korte sa NCR, sinuspinde na

Nagsuspinde na ng trabaho ang Supreme Court sa lahat ng korte sa National Capital Region (NCR).

Ito’y dulot ng walang patid na ulan na nararanasan.

Nabatid na ang anunsyo ay nagmula kay Chief Justice Alexander Gesmundo kung saan simula mamayang alas-12:00 ng hapon ay wala ng pasok sa Supreme Court at Court of Appeals.


Kasama na rin dito ang Court of Tax Appeals, Court of Appeals (CA), Sandiganbayan at mga lower courts sa NCR.

Ang iba namang mga korte sa labas ng NCR ay nasa diskresyon na ng Executve Justices kung magsususpinde na rin sila ng trabaho dahil sa masamang lagay ng panahon.

Sa kabila naman ng malakas na ulan na nararanasan, wala pa naman naitatalang mataas na pagbaha ang Manila Disaster Risk Reductino Management Office (MDRRMO) at sa kanilang abiso, nadaraaan pa naman ang ilang kalsada sa lungsod.

Patuloy naman ang paalala ng Manila LGU sa publiko na mag-ingat ngayong masama ang lagay ng panahon habangg patuloy ang pagbabakuna sa lungsod.

Facebook Comments