TRABAHO | Saudi Arabia, nangangailangan ng higit 300 Pilipinong nurse, midwife

Mahigit 300 Pinoy nurses at midwives ang kailangan sa Saudi Arabia.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, aabot sa halos P50,000 ang sahod ng mga matatanggap na Pinoy nurses at midwives.

Bukod rito, kasama rin aniya sa benepisyong alok ng Saudi ay libreng tirahan, pagkain, taunang bakasyon at libreng round trip ticket sa eroplano.


Sabi ni Olalia, kabilang sa mga requirement ay dapat may professional license mula sa Professional Regulation Commission (PRC) at dalawang taong karanasan bilang nurse o midwife.

Para makapag-aplay, kailangan munang magparehistro sa online registration ng POEA website at dalhin ang mga kailangang requirements bago pumunta ng POEA.

Facebook Comments