TRABAHO | Saudi Arabia, nangangailangan ng isang libong Pinay nurse

Manila, Philippines – Nangangailangan ngayon ang Saudi Arabia ng nasa isang libong Pinay nurse.

Ayon kay Jocelyn Sanchez, Deputy Administrator ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), government to government ang gagawing pagkuha sa mga nurse kaya libre ang aplikasyon sa POEA at hindi sa mga agency.

Aniya, ilan sa mga requirement ay kailangang may board o PRC license at dalawang taong may karanasan sa pagtatrabaho bilang nurse.


Ang matatanggap ay sasahod ng nasa 4,000 riyal o mahigit P58,000 na pwedeng umabot hanggang P90,000.

Maliban sa sweldo, ilan sa mga benepisyo na makukuha ay paid annual vacation leave na may libreng round trip plane ticket pauwi ng Pilipinas at libreng pagkain at tirahan.

Para makapag-apply, kailangan munang magparehistro sa online registration ng POEA website at dalhin ang mga kailangang requirements bago pumunta ng POEA.

Maliban sa Saudi Arabia, nangangailangan pa rin ng mga nurse ang Germany at United Kingdom.

Maaaring makita ang mga detalye tungkol dito sa website ng POEA at kung lehitimo at accredited ang isang agency.

Facebook Comments