TRABAHO | Siyam na Chinese companies, interesadong mamuhunan sa Pilipinas

Manila, Philippines – Nagpahayag ng interest ang siyam na kumpanyang Tsino na mamuhunan sa Pilipinas.

Aabot sa 10,000 trabaho at oportunidad ang malilikha sa sektor ng enerhiya, turismo, imprastraktura, agrikultura at pangkalusugan.

Kabilang sa mga kumpanyang nais mamumuhan sa Pilipinas:


– Shanghai Geoharbour Group
– Jojo Group Co. Ltd.
– Zhongfa Group
– Haocheng Group
– Green Agriculture Group
– East Cloud Biz Travel Ltd.
– China National Heavy Machinery Corp.
– Shanghai Shinehigh Biotechnology Ltd. Co. / Zheijiang Dongyang Jinxin Chemical Co. Ltd.
– Sino BMG

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Rowel Barba, patunay lamang ito na matibay ang kumpiyansa ang mga foreign investors sa ekonomiya ng Pilipinas.

Facebook Comments