TRABAHO | TESDA, hinimok ang mga nagbabalik OFW na sumailalim sa kanilang mga pagsasanay

Manila, Philippines – Hinimok ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga nagbabalik na Overseas Filipino Worker (OFW) na sumailalim sa mga pagsasanay ng ahensiya.

Ayon kay Deputy Director General for TESDA Operations Alvin Feliciano, sa ganitong paraan makahahanap ng permanenteng trabaho sa bansa ang mga nagbabalik na manggagawang Pinoy.

Magdaraos aniya ang TESDA ng nationwide enrollment sa mga kursong may kinalaman sa konstruksiyon, Information Technology (IT), at Business Process Management (BPM) sa darating na Abril 5 at 6.


Paalala naman ni Feliciano sa mga nais mag-enroll ay magdala lang ng I.D, 1×1 photo, birth certificate at resume (para sa maghahanap ng trabaho).

Bukas ang mga programa ng TESDA sa lahat ng may edad 18 pataas.

Facebook Comments