Marawi City – Aabot sa 10,000 mga internally-displaced persons mula sa Marawi City ang inaasahang makikinabang mula sa Expanded Emergency Massive Skills Training Program na ipatutupad ng Technical Education and Skills Development Authority.
Ipinaliwanag ni Director General/Secretary Guiling Mamondiong na layunin ng nasabing programa na lumikha ng mga trabaho at gawin ang mga IDPS bilang mga construction workers sa pamamagitan ng pag-alok sa kanila ng mga construction-related courses na may kinalaman sa mga proyekto ng Task Force Bangon Marawi na tutulong sa gobyerno upang muling ibangon ang Marawi City.
Ang target na mga benepisaryo ng programang ito ay ang mga IDPS mula sa Marawi City, Lanao del Sur, Iligan City, Lanao del Norte at Cagayan De Oro City.
Pipiliin ang mga ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang Local Government Units, National Government Agencies at Task Force Bangon Marawi.
TRABAHO | TESDA, nag-alok ng dagdag trabaho sa Marawi workers
Facebook Comments