Manila, Philippines – Naghahanap ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng 75 tao na maaaring magturo ng foreign language sa mga Pinoy.
Ayon kay TESDA Deputy Director General Alvin Feliciano, nangangailangan sila ng mga language trainer na magtuturo ng foreign language sa mga Pinoy na nais maging Overseas Filipino Worker (OFW).
Partikular na hinahanap ng TESDA ang mga marunong sa wikang Nihongo (Japanese), Korean, Spanish, Mandarin, Arabic, at English.
Aniya, kailangan din nila ng trainers sa French, Bahasa Indonesia, at German.
Maaari pa aniya itong gawing part-time job at bukas din ang TESDA sa mga banyagang mayroong working visa sa bansa.
Kabilang sa mga rekisito ay isang taong karanasan sa pagtuturo ng wika, magaling sa oral at written communication, computer literate, at may certification mula mismo sa TESDA.