Ilulunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Tourism (DOT)ang “Trabaho Turismo Asenso” job fair.
Layon nitong palakasin ang employment ng hospitality industry sa Pilipinas matapos mapag-alamang maraming hotel establishments ang nangangailangan ng karagdagang manpower.
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ilulunsad nila ang “Trabaho Turismo Asenso” job fair mula Setyembre 22 hanggang 24 sa ilang bahagi ng bansa tulad ng Metro Manila, Cebu, Davao at iba pa.
Sa pamamagitan nito ay masusuportahan nito ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa at mailapit pa lalo sa mga job seekers sa mga opportunidad upang makapagtrabaho.
Ayon kay Laguesma, nakikipag-ugnayan sa Philippine Hotel Owners Association (PHOA) para sa partikular na trabahong kinakailangan at kung ilan ang bakante sa naturang sektor.
Bubuo rin ng isang memorandum of understanding upang gawing pormal ang partnership ng dalawang ahensya sa naturang programa.