Tracker team na maghahain ng warrant of arrest laban kay Pastor Quiboloy, binuo ng PNP

 

Bumuo na ng tracker team ang Philippine National Police (PNP) para tuntunin ang kinaroroonan ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Ito’y upang agad na maisilbi sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ng korte sa Davao dahil sa kasong sexual abuse.

Sa impormasyon ni Police Regional Office 11 Director PBGen. Alden Delvo sa Kampo Krame, ang pagbuo ng tracker team ay bahagi ng kanilang standard operating procedure.


Kasunod nito, umaasa ang PNP na lulutang sa lalong madaling panahon si Quiboloy para harapin ang kanyang kaso sa korte.

Naniniwala rin si Delvo na nasa Pilipinas pa si Quiboloy at tiwala siyang darating ang panahon na makumbinsi rin siya ng kanyang mga abogado na humarap sa hukuman.

Kahapon, matatandaang nakapaglagak ng piyansa ang tatlo sa limang kasamahan ni Quiboloy sa kaso matapos sumuko sa mga awtoridad.

Facebook Comments