Inatasan na ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng units nito sa buong bansa na hanapin ang nasa 1,700 convict na pinalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance.
Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang mga ito sa kulungan at binigyan ng 15 araw para sumuko.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde, tinutunton na ng kanilang tracker teams ang mga convict.
Babala ni Albayalde, ituturing ang mga ito na fugitive kapag hindi sila sumuko.
Magtatalaga rin ng liaison officer para matiyak ang coordination ng PNP sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor).
Facebook Comments