Ipinahahanda na ni Interior Secretary Eduardo Año ang tracking team na tutugis sa mga convicted ng heinous crimes na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance.
Sa Isang kalatas pambalitaan, sinabi ni Año na paglampas ng 15-day deadline,ang mga convicted na ito ay magiging subject na ng manhunt ng tracking teams ng PNP.
Ani Año, maari isuko ng naturang indibwal ang kanilang mga sarili sa pinakamalapit na police Station o Bureau of Corrections.
Bahala naman ang naturang unit na makipag coordinate sa
BuCor para sa transfer ng custody sa mga Ito.
Nakikipag-ugnayan na ang PNP sa BuCor para sa listahan ng mga masakupan ng GCTA law.
Hiniling na rin ng DILG sa DOJ na mag isyu ng Immigration Lookout Bulletin Order upang mapigilan silang lumabas ng bansa.