Trade relations at partnership sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, dapat na muling pag-aralan ayon kay PBBM

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na dapat patuloy na pag-aralan ang trade relations at partnership sa pagitan ng Pilipinas at Amerika upang kapwa na magbenepisyo sa inisyatibong ito.

Sa talumpati ng pangulo sa isang dinner na hosted ng Philippine Embassy sa Blair house sa Washington D.C., sinabi nitong suportado ni US President Joseph Biden ang Pilipinas lalo na sa usapin ng economic transformation at iba pa.

Pero kailangan aniyang patuloy na pag-aralan ang mga trade relations at partnership.


Punto ng pangulo, ang pagbisita niya sa US ay mahalaga lalo’t nitong mga nakalipas na taon ay nasubok ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.

Sa harap naman ng COVID -19 pandemic at nagpapatuloy na gulo sa Ukraine, sinabi ni Pangulong Marcos na halos magulo na ang senaryo international.

Kaya naniniwala si Pangulong Marcos na mahalagang magkaroon nang malakas at matatag na partnership sa ibang mga bansa gaya ng Amerika.

Mahalaga rin ayon sa pangulo ang pagkakaroon ng mutual defense treaty at ang constant communication.

Ilan pa sa mga dumalo sa dinner toast ay US Secretary of Finance Secretary of Agriculture at ang Trade Representative.

Facebook Comments