TRADE RELATIONS | Pangulong Duterte, bibisitahin ang South Korea

Manila, Philippines – Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – layunin ng kanyang pagbisita na talakayin ang Trade Relations ng Pilipinas sa kapitbahay nitong bansa.

Nais ding kumustahin ng Pangulo ang kalagayan ng mga OFW doon.


Ibibigay ni Roque ang kabuuan ng detalye sa regular briefing ng Malacañan bukas, May 28.

Inanunsyo ng Presidential Office ng South Korea na bibisita si Duterte mula June 3 hanggang 5.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), aabot sa 65,000 na Pilipino ang nasa South Korea.

Facebook Comments