Trade talks ng US at China, umarangkada na

Beijing – Sinimulan na ng US at Chinese negotiators ang dalawang araw na official trade talks sa Beijing.

Ito ay sa gitna ng economic dispute ng dalawang bansa na layong makabuo ng kasunduan bago ang deadline sa susunod na buwan.

Igigiit umano ng mga us negotiator sa kanilang counterpart sa China ang matagal na nilang demand na maproteksyunan ang intellectual property ng mga American company para hindi nakokopya ang mga produkto ng Amerika.


Isa ito sa kondisyon para mapagtibay ang isang trade deal sa pagitan ng dalawang bansa para maiwasan ang lalo pang pagtataas ng taripang ipinatutupad sa mga Chinese imports.

Samantala, plano raw ni Chinese President Xi Jinping na makipagpulong mismo sa top US officials ngayong Linggo.

Looking forward naman daw si US President Donald Trump na makaharap si Xi para makabuo na ng kasunduan.

Facebook Comments